NOM NOM

sa umpisa ako ay nag-aalala
baka sa kalasingan ikaw ay masuka...
hindi kayanin maglakad ng matuwid...
kaya't ako'y sumaklolo, inalalayan ka gamit ang aking bisig...

habang kasama ka sa gitna ng iyong kalasingan...
walang awat ang iyong bibig, ito'y puno ng kakulitan...
ako naman ay nakikinig lang at natatawa na rin...
di ko akalaing ako'y maku-kyutan sa isang taong lasing...

natatawa ako sapagkat tayo ay magkatulad...
ilang alak lang ang mainom hindi na maayos ang lakad...
ako'y nakangiti habang sayo ay nakatitig...
lambing mo'y dumoble,triple pa nga..lalo akong kinikilig... 



*wala na ako maisulat..kasi na-stuck na lang sa lasing niyang ngiti at mukha ang utak ko..(^^)
 
 

Comments

Popular Posts