HAY.... RH BILL

Hay...bakit nga kaya kontra ang simbahan sa panukalang ito...? Hindi ba nila naiisip ang mga magandang epekto na maaaring idulot nito? Bakit kailangan nila laging isipin ang mga negatibong bagay ng hindi man lang binabalanse ang lahat.

***
Hindi man lang ba nila naiisip na noon pa man na hindi ito ginagawang issue ng gobyerno ay marami ng gumagamit ng condom, pills at kung anu-ano pang contraceptives...?

***
Isa pa..paano naman nila masasabing mas lalaki ang populasyon ng mga magpapa-abort..?Ano namang i-aabort nila kung sa umpisa pa lang wala ng mabubuo di ba...?

***
Sabihin na nating sinabi ng Diyos na "humayo kayo at magparami"... pero dapat maging responsable tayo sa ating pag dami...ang daming taong nagugutom..madaming bata ang hindi mapaaral dahil kadalasan sa isang pamilya na mahirap 8 ang anak...

***
Hindi naman sinasabi ng gobyerno na may fine kapag nanganak ka ng mdami...nagbibigay lang sila ng option...nasa sa tao naman yan kung gagamitin nila yung condom or pills or hahayaan na lang nila mabulok...

***
sana lang talaga hindi maging sarado ang kaisipan ng karamihan...lalo na ang mga pinuno ng simbahan...






Comments

Popular Posts