Ang Script Ng Aking Pantasya

Isinulat ko ang "pantasya" na ito dahil ayaw kong palampasin ang pagkakataon na hindi ko na siya maalala....

Sa isang restaurant, kung saan nakatayo akong mag-isa..may hawak akong isang long stem red rose habang naglalakad mag-isa...nagdududa..nagtataka..

Ako: Nangyayari ba talaga to...?

Dahan-dahang lumapit sa akin ang isang lalake...at bigla akong lilingon...

Siya: oo..hindi na panaginip to...andito na talaga ako...

Tititigan ko siya ng mabuti..at iiyak ako bigla...pupunasan niya ang luha ko at yayakapin ako ng mahigpit...

Siya: pasensya ka na..ang tagal kitang pinaghintay...

Hahagulgol ako ng iyak habang nagdadabog pa ng konti sa kanya...

Ako: bakit kasi ngayon ka lang dumating..nakakainis ka...ang dami ko ng pinagdaanan....

Hindi na niya kelangang magsalita dahil mararamdaman ko sa yakap niya kung gaano siya ka-sorry na ngayon lang kami nagkita...

At patuloy lang niya akong yayakapin hanggang sa huminto na ako ng kaiiyak...Pero sa huli hindi rin kami pwedeng magsama dahil alam kong mas makakahanap siya ng taong mas makakabuti para sa kanya...

THE END








Comments

Popular Posts