Paalam Lolo

Isang tula ang alay ko sayo...
Sa paglisan mo, sa mundong ito...
Hindi man nasaksihan ang paghihirap mo...
Nawa'y nasiyahan ka sa pagdalaw ko sa burol mo..

Hindi ako umiyak, sa iyong libing..
Luha'y hindi pa ubos, ayaw lang magpapansin...
Ayaw makisabay sa mga naghihiyawan at hinihimatay...
Taimtim kong ipinagluluksa ang iyong pagkamatay...

Hindi malilimutan ang mga araw na ikaw ay buhay...
Nakaupo sa may kubo, wari mo'y may hinihintay...
Malayo ang tingin, mukhang malalim ang iniisip....
Habang ako na iyong apo ay mahimbing na naiidlip sa iyong mga bisig...

Sana'y dumating ang araw na hindi na maluha...
Sa mga ala-alang naiwan mo na pilit kong sinasariwa..
Mananatili ka sa puso ko....
Balang araw kung sa langit man ako mapunta...magkikita rin tayo...








Comments

Popular Posts