Tip At Taxi

Minsan, nalilito ako sa ibang taxi driver....

Sasakay ka pa lang, sasabihan ka na agad na "dagdagan niyo na lang po"..kung medyo malayo ang pupuntahan mo...Minsan naman, kapag hindi nila alam na sa bandang dulo ka pa nakatira ng kung saang lugar, panay ang kamot sa ulo at "tsk" ng driver na tila ba'y napasubo ng isakay ka....

Kaya nga kapag nasasabihan ako ng "taxi" driver ng ganun...dinadagdagan ko na...Nakakaasar nga lang kapag, parang napahiya pa tapos isosoli sayo yung dagdag...hindi ko kasi maintindihan kung naliitan siya sa dinagdag ko...o tinubuan lang siya ng hiya bigla kung kelan ako pababa....

Labo.... (>_<)

Comments

Popular Posts