Ang Tagal

nalulungkot ako sapagkat inspirasyon ay wala...
di malaman kung san naroon...naligaw na ata..
kay tagal ng hinintay...panahon ay lumipas na..
mukha ko ay nag-iiba, tumatanda na ata..


kung inspirasyon man ay regalo na manggagaling sa taas...
nasaan na nga po ba? regalo ko po ba ay nabutas?
baka nalaglag sa kung saan...ang nilalaman...
kailan pa kaya siya makakarating sa paroroonan...?


hindi naman sa pagmamadali, subalit parang ganoon na rin...
kahit saang anggulo tingnan, ramdam ang pagka mainipin...
subalit kahit ganon, andito ako naghihintay pa rin...
baka sakaling bukas, inspirasyon ko, sa wakas ay dumating na rin...

Comments

Popular Posts