PATIBONG

tila ako'y nahulog sa isang patibong...
sa paghahanap ng pag-ibig ikaw ang nakasalubong
mga mata natin ay nagkatagpo...
sa isang iglap, tayong dalawa ay nagkasundo...

isang kasunduan na hindi sigurado kung magtatagal...
ang pagsasama nga bang ito ay panandalian lamang..
hindi ko natitiyak, sa piling mo ang lubos na kaligayahan..
at hindi ko rin maipapangako, na ang puso ko ay magiging iyo lamang...

ayokong muling mahulog sa patibong na kung tawagin ko'y pag-ibig..
marahil sa iba ito'y masaya, subalit sa akin sakit ang idinulot nito sinta
ang tanging hiling ko lang sa Maykapal...
patnubayan Niya ako nawa, kahit senyales niya ay aking binalewala....

Comments

Popular Posts