PANAGINIP: Ako'y Gangster

Napanaginipan ko...nasa isa akong kwarto kasama ang ibang mga lalake....gabi na sa labas...at yung kwarto gawa sa malalakeng bricks na maihahalintulad sa mga ding-ding ng makalumang kastilyo...napapalibutan kami ng mga torch na nakasabit sa ding-ding....

Isang African American ang leader namin...ang pangalan niya ay Eddie (kamukha niya yung nasa live action movie ng BECK)...Naka-shades..makapal na jacket (pero hindi leather)...at naglalakad siya sa likod namin..


Lahat kami parang takot sa kanya...


May ipinapaliwanag siyang isang bagay (maikukumpara sa mga makikita sa drama na may isang bossing na pinagsasabihan ang mga bata niya kapag maliit ang intrega)....nag-comment ako...Hindi siya natuwa sakin at itinutok niya ang hawak niyang baril sa ulo ko....ang mga kilos niya ay may halong banta na ipuputok niya yun....


Hinawakan ko ang dulo ng baril na nakatutok sa ulo ko..."Bitawan mo" ang sabi niya...pero hindi ko binitawan....Siniko ko siya ng ilang ulit...pero parang ang hina ng ginawa ko...(dahil panaginip nga lang ito)...parang hindi naman talaga siya nasaktan..napaatras lang...


Blanko lang ang reaksyon ni Eddie pero parang sinasabi niyang "Nilabanan mo ako..."
Hindi ako nakuntento, sinakal ko siya ng matindi sa leeg...yung tipong babaon ang mga daliri ko sa adams apple niya....Hindi ako makuntento...hawak ko na siya sa leeg...binayagan ko siya ng ilang ulit...3-5 beses ata...at hiningi ko sa kanya ang baril....


"Ibigay mo sakin ang baril mo!" ang sabi ko sa kanya na nagbabanta habang sinasakal ko siya ng isang kamay at pinandidilatan ko siya ng mata...


Nakatingin lang ang mga kasama namin na tila ay natulala..


Inabot niya ang baril...binitawan ko siya..sabay kasa sa baril at itinutok ko to sa mukha niya...
Nakangiti siya....at nagtaka ako...ipinutok ko ang baril.......wala pala itong bala.


Sinakal ko siya ulit...binayagan...


"Akin na ang bala!Ibigay mo...!"


binigay niya ito ng nakangiti...inaasar niya ako....























Comments

  1. supot ang action sa panaginip mo. Kelangan siyang magpatuli. Siguro masyado mo pinapantasya ang mga action star. :? hummmmm

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts