Emote na emote habang kumakanta
Walang magawa inspirasyon ay hindi makita...
Marami ang nagtataka, "Bakit, hindi ba siya?"...
Hindi naman sa ganun, hindi ko rin lang makita sa kanya

Mga katangian na hinahanap ko, tila mahirap hanapin
Available sa ibang tao sarili ko'y hindi ko kayang lokohin...
Ang isip ko'y nagsasabi na makuntento kung ano ang nasa akin,
Subalit ang kalahati ay nakikipagtalo, paano kung hindi siya para sa akin...

Ano nanaman ba tong sinasabi ko..
Heto nanaman puro reklamo...
Kaya wag ng magtaka kapag nasasabihan ng iba,
"Ano pa nga bang ginagawa mo? Makipaghiwalay ka na..."





Comments

Popular Posts