May Sabit

Sa tagal ko ng paulit-ulit na ginagawa ngayon lang sumablay,
May mga araw rin namang natatagalan pero ito hindi na ako makapaghintay...
Ano kayang magandang bagay ang dala nito para sa akin...?
Ilang sampal at luha kaya ang aking iipunin.

Kung kelan naman akala ko maayos na ang lahat,
Ang lintek may iba palang inaatupag kaya ata napupuyat...
Alam niya naman sa umpisa na posibleng may problema,
Pero kinamot niya pa rin naramdamang kati ng iba...

Kaya ako ngayon ay nagdurusa...dala-dala ang pasakit hindi ko ma-ishare sa iba
Hihintayin na lang bang mahalata kung anong dapat mahalata...?
Sa Diyos patuloy pa rin ang aking panalangin...
Kung ano-ano ng bagay ang dumedemonyo sakin...

Kumakapit kahit tila malapit ng mahulog..
Hindi alam ang gagawin, ayoko ng madurog...
Sa sobrang tanga ko sa pagmamahal...
Nang masaktan ako tila naging manhid na hangal...


Comments

Popular Posts