Bilang Imbestigador

"ako ang magsasabi kung tapos na...." -Monica (Angel Locsin) from THE LEGAL WIFE 


Minsan hindi magandang manood ng palabas tungkol sa mga asawang may kabit kasi nagkakaroon ka ng doubt sa partner mo lalo na kapag may record na sila...

Yung dating hindi mo pag-iinspect sa cellphone nila...yung pagsilip sa FB nila kapag naiiwan nilang bukas...yung pag-check mo sa FB ng bad influence na kaibigan nila....at lalong-lalo na yung pag-check mo sa account ng bruha...este, babaeng minsan ay napagselosan mo...

gagawin mo lahat yan bigla..para lang maging sigurado...para lang ma-assure ang sarili mo na wala na nga...

PERO...

the more na ginagawa mo yung mga bagay na yan, lalo mo lang sinasabi sa sarili mo na na-iinsecure ka sa taong yun...Actually, mas dapat mainis ka sa ka-relasyon mo...

BAKIT?

kasi pumatol siya dun...at muntik ka na niyang ipagpalit...(actually ginawa niya yun..)

SO ANONG LOGIC NG POST NA'TO?

Wala...gusto ko lang aminin na may insecurities pa rin ako sa babaeng yun...despite her "extra curricular activities"...hanggang ngayon iniinspect ko ang FB niya just to check on her posts...Kahit yung "B.I" na friend chinicheck ko kung gano kamiserable buhay niya at nandadamay siya ng ibang tao...(parang yung ginagawa ko hindi miserable)....

Recently nalaman ko na may common friends pala kami nung babae....hindi ko na dapat tinanong...pero makati ang dila ko kaya ginawa ko....

WALA NA DAW SIYA.....(nasa Singapore na)
pero bakit parang hindi pa rin ako naniniwala...ewan ko ba...hindi ko rin alam...






Comments

Popular Posts