Buntis Chronicles: Emo Madness


Bago pa ako naging buntis, emo talaga ako
Sa ugali mo na kumplikado, naloloka ako...
Hindi ko alam kung sadyang mabagal lang ang pick-up mo...
O wala ka lang talagang pakialam masyado sa taong nakapaligid sa'yo.

Andyan lang sila kapag nakakasama mo...
Andyan lang sila kapag nakakasundo mo...
Masakit mang sabihin dahil baka ka magtampo...
Pero andyan lang sila kapag napapakinabangan mo

Di kita maintindihan kaya madalas tanungin...
Di ko magets kaya madalas ding asarin....
Galit galitan ako para makuha ang totoong emosyon mo..
Pero hala wala pa rin, ano ba naman to....

In the end ako lang nasstress...
Nakakagawa nanaman ako ng tula dahil sa ines...
Ang utak ko kapag drinawing ko, scribble lang ang makikita mo...
Ganito kagulo ang thoughts ko, gets mo ba? O puro ka lang OO.




Comments

Popular Posts