Hello Tanga

Halika tara na at muling magsulat....
Balikan natin ang mga ala-ala at baka ika'y mamulat...
Noon inosente ka ngunit bakit ngayo'y tila tanga na
Nagbubulag-bulagan ka nanaman sa totoong gusto nila.

Halos lahat ng nakilala mo, iisa ang intensyon..
Maiinit na laman, hindi mo pa ba nahahalata yon...
Ano na teh i-elaborate ko pa ba? Nagpapakatanga ka nanaman
Sa mga lalakeng akala mo'y kaibigan, pero kausap mo pa lang hinubadan ka na.

Hinubad na ang dignidad na konti na lang ang natitira...
Binabasag ang dati mo nang warak na puso bakit hindi ka nadadala.
Sinasamantala lang nila na lahat sinasagot mo ang mga tanong nila,
Hindi ka na makaluha kasi nga manhid ka na.

Hindi ka na marunong umiyak, naging bato ka na.
Tinanggap mo na sa sarili mo na ikaw ay isang lupa.
Madumi, natatapakan at wala ng magawa...
Hindi ka maka-angat kasi against the law of gravity kapag nawala ka sa baba.

May pag-asa pa iha, para sayo...
Wag mong isipin ang mga bagay na makapagpapahina sayo.
Isipin mo laging maganda ka at kaya mo to.
Wag ka nang magpa-apak sa kanila itaga mo sa bato.

Comments

Popular Posts