Ang Chinitang Si Dora

Kaninang umaga habang binabaybay ng jeepney na sinasakyan ko ang kalye ni Ka-Muning, ay may sumakay na babae...ang buhok niya ay pantay hanggang balikat..at may bangs din siya na pantay ang pagkakagupit sa may bandang itaas ng kanyang kilay...at doon..at that very moment... I concluded...na siya si Dora...

Pilit kong isinaksak sa utak ko na siya si Dora...Si Dora na nagdalaga na...Si Dora na nagsawa na sa pagiging maitim at gumamit ng Glutathione para pumuti...Si Dora na hindi na kasama si Boots dahil nga dalaga na siya at weird ang may kasamang unggoy sa eskwela...Si Dora na pumayat na dahil sa mga adventures nila ni boots...si Dora...dahil sa buhok niya...yun talaga ang puno't dulo ng lahat..ang buhok niya....


Comments

Popular Posts