Paalam Pigs


Kaninang umaga...ihinanda ko na ang kahon...binutasan ito ng dalawang butas sa may tagiliran...sinuotan ng straw...at ginawa itong hawakan para mas madaling bitbitin ang kahon..nilagyan ko ng "kusot" ang loob ng kahon..ikinalat itong mabuti at ikinabit ko rin ang lalagyan ng tubig para sa aking mga alagang daga (guinea pigs)...

Magpapaalam na sila...hindi na ako muli pang aakyat ng 3rd floor para magpakain...hindi na ako maglilinis ng tae at magpapalit ng sapin na dyaryo..hindi na rin ako muli bibili ng purina 300 at pepino...

Natapos na ang ilang buwan ng pag-aalaga...natapos na ang mga araw ng pag-iyak nila....at matatapos na ang walang humpay na pagpaparinig sa kanila na "sana ay mabenta" na sila...

Paalam mga mahal kong guinea pigs...nawa'y nasa mabuti kayong mga kamay...
Ma-mimiss ko kayo...na-mimiss ko na kayo...

Comments

Popular Posts