Ang Nakaraan...

May isang pag-ibig sa aking nakaraan...
Na hindi naging pang matagalan...
Mga pinagsamahan nating sandali....
Kahit gaano katagal na ang lumipas ay hindi na mababawi...

Mga paghihintay sa aking pagdating....
Mga pagluha ng aking mata sa mga away natin
Init ng yakap mo't mga halik...
Sa akin lahat ay nagbabalik....

Mga pangangailangan ko ay iyong natugunan..
Kahit hindi sambitin ng aking mga labi nakakagawa ka ng paraan...
Kailan muling makakahanap ng isang katulad mo....
Hindi ka perpekto pero marami akong nagustuhan sa iyo...

nais kong manatili ang magagandang ala-ala mo sa aking buhay..
(parang patay lang eh noh..?haha)

Comments

Post a Comment

Popular Posts