ARAL: KAIBIGAN sa SALITA

minsan ang mga kaibigan, hindi maiiwasang makapagbibigay sa iyo ng impluwensya..kailangan lamang siguraduhin mo na maganda ang kanilang impluwensya at kung totoo ang mga kaibigan mo sayo...kasi pwede namang maging kaibigan ka lamang nila sa SALITA..

oo..sa SALITA...maaaring tsismis lamang...maaaring pagmulan ng gulo..at maaaring bawiin...dahil SALITA lamang ito..hindi dokumentado..hindi tinatatakan...walang soft copy ang agreement...at hindi pirmado...baka nga hindi ka naman pala nila kaibigan eh assuming ka lang...

noong una...hindi pa ako naniniwala na may mga ganitong pangyayari...kala ko sa teleserye lamang ang lahat..pero totoo nga..may mga taong tinuturing mong kaibigan pero sasagarin ang pasensya mo hanggang sa sukdulan....kulang nalang mabalatan ka ng buhay at kung hindi pa man nakakahiya ay nanaisin mo nalang na umiyak sa inis...

gayun pa man..kung ang isang tao ay naituring mo ng kaibigan at tila wala ka ng magawa sa sama ng kanyang ginagawa...mabuti pang dedmahin mo na lang...mag-concentrate ka..mag-focus at wag ng pumatol...dahil ang pumatol ay laging talo...at isa pa...mapapagod ka lang kaiisip sa kanya.... :)

Comments

Popular Posts