Aksidente

Ngayong gabi, sabihin man ng nakararami na assuming ako...o guilty... ay hahayaan ko na...sapagkat ito ang naisip ko ng muntik na akong ma-involve sa isang aksidente....

Ganito ang sinasabi ng Diyos sa utak ko matapos mangyari ang bagay na iyon...

DIYOS: nakita mo ba yun?...ganun kabilis lang at maaari ko ng bawiin ang buhay mo...sa ganun kabilis na sandali...maaari ka ng malagutan ng hininga....at hindi ka na makakagawa pa ng paraan para makabawi sa mga pagkakasalang ginawa mo...

grabe...hindi ko alam kung sa papaanong paraan napunta rito o nag-conclude ang utak ko...pero gayun pa man...ito lang ang tumatakbo sa isip ko matapos ang "muntikang aksidente" na yon...palagay ko nga guilty ako...at sa palagay ko rin napag isip-isip ko, na any time pwede yun mangyari...at maaaring hindi ako makabawi o makapag-contemplate sa mga kasalanang nagawa ko....kaya nga napasulat ako sa blog ko...dahil gusto ko maibahagi ang karanasan na ito.... (-_-)

Comments

Popular Posts