Naudlot Nanaman

hanggang kailan pag-iisipan....
hanggang kailan pagpaplanuhan...
hanggang kailan magpipilitan....
hanggang kailan magka-kayayaan...?

oras ay nasasayang....
pagpaplano ay nakakatamad rin naman...
ang tanging masasabi ko lang...
kung gusto, may paraan at kung ayaw ay maraming dahilan...

ayos lang naman kung maraming gawain...
isipin mo na lang din na ang nagplano ay ganun din...
wag mo sasabihing ako ay tampuhin....
pagka't ilang beses nang nauudlot ang lakad natin....

ang hinihingi ko lang ay kaunting oras niyo...
at simpleng sagot sa tanong kung sasama kayo...
oo o hinde lang naman ang sagot na kelangan ko....
para hindi naman nagmumukhang gago ang taong taga-plano sa mga lakad na to.

Comments

Popular Posts