Pa-Convert? :)

*Nangyari ang usapang ito sa pagitan ng tito ko na may sakit at ng kanyang asawa.Magkaiba silang dalawa ng relihiyon. Na-diagnose na may malalang sakit ang tito ko kamakailan lamang at ng minsan ay napag-usapan nila bigla ang relihiyon...


TITA: Kung ikaw baga ay nag-(insert name of religion) eh di sana ay napapatawad ka na ng Diyos sa mga kasalanan mo ng ikaw ay maligtas....

TITO: Ah ganun ba? Ay siya sige, papatayin ko na muna ang lahat ng kaaway ko (insert names ng hindi gustong tao ni tito...) bago ako maligtas...

TITA: Ay siya wag ka na nga mag-(insert name of religion)



Comments

Popular Posts