Ang Mahiwagang Sign Sa Opisina

Noong bago pa lamang ako sa trabaho, madalas kong makita ang isang sign sa banyo na ang nakasulat ay "Do Not Enter"..at dahil nakapost iyon sa isang tila malaking pintuan sa loob ng mismong cr, inakala ko na sinasabihan nito ang mga bagong santa na katulad ko na ang mga "ijm" lamang o "regular" na ang maaaring maligo doon. Subalit mali pala ang akala ko....Sapagkat ng nagtagal na ako sa pagtatrabaho, napansin ko na paminsan-minsan, ang "sign" na ito ay ikinakabit na sa may pintuan mismo ng cr.....doon ko nalaman, na ang "sign" na iyon pala ay isang babala na may "jumejebs" sa loob ng banyo........

At ngayong umaga...mga lampas ng alas dose...ay nagkaroon ako ng pribilehiyo na gamitin ang sign na iyon....oo..ginamit ko ang sign na iyon...mapalad pa ako dahil kakaunti na lamang ang nag-oovernight sa opisina...nais kong batiin ang sarili ko at sabihang, "Congrats!Nabinyagan ka na ng tabo dun sa cr!" or "Congrats!Nabinyagan mo na ang cr!"....isa nanaman itong unforgettable experience sa opisina...haaay..sarap ng pakiramdam....(^^) LOL!

Comments

Popular Posts