Doggy

Habang binabaybay ng nasakyan kong jeepney ang kahabaan ng Kamuning ay merong nakaagaw sa aking pansin sa tabi ng sidewalk...Isang doggy na askal...Sa unang tingin pa lang ay halata mo ng patay na ito...napaka-payat at mukhang wala ng balahibo ang aso...malamang namatay na yun sa gutom...nakahandusay siya sa sidewalk...

Nalungkot ako bigla at napaisip...

Mas okay kaya na ang mga askal sa kalye ay namatay dahil sa natural death? O mas okay ba na nahuli sila at nilagay sila sa impound para i- euthanasia?

Isa lang naman tong tanong na pumasok sakin bilang meron akong alagang aso na handa kong tubusin kapag na-impound...kung pwede ko lang siguro ampunin ang mga askal na nakikita ko ginawa ko na... :(

Comments

Popular Posts