Monologo Habang Naghihintay Ng Jeepney

Sabi nga nila, "Patience is a virtue".. at halos araw-araw kong isinasagawa ang ritwal o pagpaparaktis upang humaba ang aking pasensya. Tuwing uuwi kasi ako ng maaga, dumadalang ang mga jeepney na papunta sa amin. At dahil kadalasan ay malaki ang aking bag, siyempre gusto ko sumakay sa jeep na maluwag. Kaya kadalasan 1hr ang inaabot bago ako makasakay.

Kahapon lang, habang naghahantay ako, ay kinakausap ko si Lord na sana ay pasakayin na ako agad..at ito ang naging script naming dalawa...

AKO: Lord, sige na po please..kanina pa po ako naghihintay ng jeep..dadaan pa po ako ng Bayan...
LORD: ........
AKO: bakit di kayo umiimik...? ayaw niyo na ba ako papuntahing bayan?
LORD: .....
AKO: Lord naman eh..sige na please...baka abutin pa ako ng ulan...(sabay tingin sa relo)
LORD: wag ka na pumuntang bayan..gabi na....
AKO: O sige na po, hindi na po ako pupuntang bayan pramis basta po pasakayin niyo na ako.....

after ilang minutes, wala pa ring jeep..

AKO: Lord naman eeeeh..nakakainis naman eh..kaya mo naman magpadala ng jeep agad dito kung gusto niyo eh...bakit pinapahirapan niyo pa ako...
LORD:........ako nga hindi naiinis kahihintay na magbago ka eh...
AKO:eeeeh...patience is a virtue na nga ako ng patience is a virtue..ano ba mapapala ko...may gusto ba kayo ipakita sakin...???

maya-maya, wala pa ring jeepney...pero nakakita ako ng mag boyfriend na nag-aaway...

AKO: Lord naman! Anu ba yan?! hahah..yan ba ang gusto niyo pakita sakin...?Live drama hah nakakatawa...kayo ha..
LORD: pampalipas oras..para di ka mainip...
AKO: ano ba?aawatin ko ba yan..?mapapagkamalang holdaper yang lalake oh
LORD: basta standby ka lang diyan...

at wala pa ring jeep...

AKO: hay....i give up na po Lord...ala na..ala ng jeep..(medyo nagtampo kasi dati nagwork na to..)
LORD: relax...(mukhang mainit na ulo nito...maulanan nga...)
AKO: waaaaah!Lord naman binasa niyo pa ako!!!huhuhuhu
LORD: chill.....

pagpasok ko sa ministop para magpatila at bumili ng 300 pesos worth of load
ay tumila ang ulan...


AKO: waahahah! :(( joke ba ito!? sayang pera ko huhu... (nagload ako para matxt si mama)
LORD: o ayan na..
AKO: pina-onti niyo po ba ang tao para makasakay ako...?

few minutes later nakasakay na ako ng jeep....

i have nothing more to say...

THE END















Comments

Post a Comment

Popular Posts