Babala

Nahuhulog ka na ba...
Hangga't maaga iwasan mo na...
Hindi pwedeng tayong dalawa...
Humanap ka na lang ng iba...

Kahit ako nagtataka..
Bakit tinatanggihan kita...
Di ba ito na ang hinihintay ko...?
Pero parang may mali...hindi ako para sayo..

Mas makakahanap ka ng taong matino..
Kaya layuan mo na ako...
Ang nakikita mo ngayong pagkatao ko...
Hindi kasing ganda ng inaakala mo...

Wag mo na akong pahirapan..
Ayaw kitang masaktan....
Sana hindi nga totoo ang hinala ko..
Kung hindi...mapipilitan akong lumayo sayo...


totoo to..hindi ako nagbibiro...

Comments

Popular Posts