Utak na Makulit Sa Jeepney Nangungulit

Kagabi habang nakasakay ako sa jeepney, sinusubukan ko ng i-construct ang isusulat ko ngayon sa blog ko...Marahil ang iba sa inyo na nakakabasa na ng blog ko (assuming?!hehe) ay napapansin na madalas akong makaisip ng isusulat sa jeepney...sa haba kasi ng biyahe ko, madami akong nakikita at naiisip kaya ganun...anyways..random thoughts lamang ito ng mga nakita ko sa jeepney kagabi..

TULAD NG:


*May isang mama sa jeepney na nung huminto ang jeepney nagsabi siya ng: "Come on, lets go.."

although mahina lang naman..gusto ko sanang sabihin sa kanya na, "jeep mo?jeep mo?ikaw magpatakbo..."

*May isang aso na kumakahol habang naglalakad ako...

sabi nga ni Cesar Millan ng Dog Whisperer..dapat hindi mo pansinin yung aso at iparamdam mo na kalmado ka..at ganun nga ang ginawa ko..pero lintek!Ng makita kong papalapit na yung aso, kinabahan ako ng todo....buti na lang iba hinabol niyang tao....

*May dalawang binatilyo na pinagitnaan ako sa Anonas...

Minsan hindi ko maiwasan na maghanap ng aksyon..meaning "holdapan" ganun..hindi sa hinihiling ko na mangyari sakin yun..pero bumili kasi ako ng brass knuckles...Subalit datapwat kagabi..ng inakala kong makakakuha ako ng aksyon, tila pinatikim ako ng Diyos ng matinding kaba..tila sinabi niya na "Naghahanap ka ng aksyon?Testingin natin tapang mo..." kinabahan ako ng hindi ko maipaliwanag...dinaanan ako ng dalawang binatilyo na tila sinusundan ako..at ng makalampas sila..nagtawanan silang dalawa...at dun ko na-realize...Lord..hindi ako handa sa aksyon..ayoko na..


*Yung ale kanina sa jeep...

Lumipat ako sa kabilang side ng jeep..hindi dahil mainit..dahil gusto kong ako ang mag-abot ng bayad sa jeepney driver....maya-maya pa'y lumipat rin ang ale sa aking tabi...at nakatingin siya sa akin na animo'y close kami...sa isipan ko.."Ale, kaya ako lumipat kasi ayaw kitang katabi tapos lumipat ka sa tabi ko..anu ba?"






Comments

Popular Posts