Panaginip ..(ginip..ginip..ginip..)

Naglalakad daw tayo sa isang madilim na kalye na ang tanging ilaw lamang ay ang mga poste...suot mo ang iyong asul na jacket (na tila matagal mo ng hindi nilalabhan...)..may suot din naman akong sweat shirt na mahaba ang manggas...

Habang tayo ay naglalakad..hinawakan mo ang isa kong kamay...pilit mong inilulusot ang mga daliri mo sa mga daliri ko...parang "holding hands while walking" ika nga...nagugulat ako sa ginagawa mo at tila hindi makapaniwala...(although na-eenjoy ko rin naman siya ng konti..)

Di nagtagal sa ating paglalakad...ang holding hands ay naging akbay...at sa iyong pag-akbay..ako'y iyong hinalikan ng hinalikan sa pisngi...masaya ako..kahit hindi ko naiintindihan kung bakit yun nangyayari...

Parang tinanong kita kung mahal mo ko...alam mo ba kung anong sagot mo...???


"I don't lo-love you...***...I lust you..."



At ng magising ako napa-emo ako bigla...



Comments

Popular Posts