Siya At Ako

SIYA
  • kapag tahimik...
AKO
  • initial reaction, nag-aalala pero di masyado nagpapahalata..pero mamaya magtatanong..ok ka lang?
SIYA
  • kapag makulit...
AKO
  • sungit-sungitan (tarush!)... pero di makatiis kakausapin din siya..(soplak!)
SIYA
  • kapag gentleman...
AKO
  • "ah-uhm" so touch...pero hindi masyado papahalata na natutuwa
SIYA
  • kapag nagpapatawa...
AKO
  • di makapagpigil sa tawa (di maitago..kalurki)
SIYA
  • kapag masungit
AKO
  • deep inside naiinis at halo-halo lang ang emosyon...
SIYA
  • kapag nang-aasar
AKO
  • asar talo lang talaga...pikon na pikon...

ang hirap makipag-usap sa taong ayaw sumagot..
ang hirap manuyo ng taong nagpapasuyo...
ang hirap intindihin ng isang taong hindi mo maintindihan..
ang hirap lumapit sa taong malapit naman pero ang isip nasa kalawakan..

ang hirap maging concern kung nasosoplak ka lang..
nasosoplak ka lang pero di niya pa rin pala alam...
masyado kang sensitibo pero sa kanya wala lang...
hay buhay, habang buhay mo bang pagpapasensyahan...

wag ka na lang kumibo..wala na lang imikan..
baka sakali..baka sakali lang naman..
sa katahimikan may mapala ka naman..
mapapahinga ang puso't isipan...



Comments

Popular Posts