Usapang Beklat

Kahapon, sa opisina ay narinig kong nag-uusap ang dalawang ama tungkol sa mga anak nila...
Hindi ko akalain na sa panahon ngayon ay may kakaibang takot na pala ang mga tatay para sa kanilang mga anak..ito ay ang pagiging BEKLAT...

Tama..BEKLAT..pagiging bading...natutunan ko ang term na yan sa isa ko ring kaopisina na tinatawag akong beklat..sa aking pananaw, hindi naman masama ang pagiging isang beklat..sa panahon ngayon, tanggap naman na ng mga tao ang mga "3rd sex" ika nga sa ating lipunan...

Hindi ko lang talaga inakala na nagiging isyu na pala iyon ngayon sa mga tatay...Sabi pa nga ng isang tatay na ka-opisina ko.. "papaanong malalaman ng isang bata ang konsepto ng pagiging bading kung hindi niya pa nga alam kung ano ang tama sa mali" sa madaling salita, may naka-impluwensya sa bata...at base sa usapan nila ay narinig ko ang mga bagay na maaaaring magpa-BEKLAT daw sa mga bata..

1. kanta ni Lady Gaga
2. t.v
3. ibang tao
4. all boys school (ako din talaga nagsabi niyan..umepal ako sa usapan nila)
5. pakikinig ng music na kabading-bading ng isang ina habang siya ay buntis pa...

So..kung may mga anak kayong lalaki, alam niyo na ang mga bagay na dapat iwasan kung natatakot kayo magkaroon ng anak na BEKLAT.


*pambihira..parang babalik nanaman tayo sa panahon ng diskriminasyon...



Comments

  1. hahaha...katuwa toh ah...

    syempre, ikakatakot talaga yun...ngunit ang tanging magagawa lamang ay tulungan bigyan ng tamang landas ngunit hindi sapilitan.

    here's mine, check it out, i hope you find it interesting


    http://itsaboutcars.blogspot.com/

    and

    http://brolitz.blogspot.com/

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts