Unang Tulang Mahirap Isulat

andyan ka lang pero ang layo mo pa rin
gusto kitang hawakan, gusto kitang yakapin...
pero di ko magawa kahit ito'y posible..

sa panaginip kung saan lihim tayong nagtatagpo...
mga bagay na hindi ko iniisip, ginagawa mo...
halik sa pisngi at labi ibinibigay mo....
mukha ko'y may ngiti subalit puso ko'y naloloko..

nalilinlang ng ilusyon na kinukunsinti ng pag-iisip..
kaya sa ngayon, paunti-unti pilit umiiwas..
tinatagong muli ang puso, sa ilusyon pilit itinatakas...
at kapag napagtagumpayan na puso ay maisara.....



...balik na tayo sa dati parang wala lang, di ba?

Comments

Popular Posts