TUKSO

Mga araw na tila patang-pata...
Hindi maintindihan, pakiramdam ay tila masama...
Naghahanap ng mapaglilibangan...
Kakaibang tukso ay bigla kang lalapitan...

Iisipin mo, kung matatanggal nito ang stress mo...
Mapapaligaya ka ba sa sandaling oras na hatid nito..?
Kung oo ang sagot sa tanong na ito...
Nanaisin ko ng mahulog sa tukso...

Subalit tuksong tinutukoy ko'y panandalian ang kaligayahan...
Sa bandang huli mga mata'y mapupuno ng kalungkutan...
Mapapaisip, bakit ganito..bakit ganyan...?
Anong nangyari sa dating murang kaisipan....

Hangga't maaari ako'y iyong layuan...
Tuksong mapanlinlang, tuksong mahirap iwanan..
Pakiusap ako'y iyo ng tantanan..
Pagkakasala ko'y ayoko ng dagdagan...




Comments

Popular Posts