TULANG UMUULAN NG KA-CORNIHAN

wag mo akong titigan...
kung ang lihim kong pagtingin ay iyo ng alam...
bakit di hawakan ang aking kamay
kung may pag-asa ba akong mahihintay...

tila ako ang nanliligaw...
masagwa sa isipan, nangingibabaw....
pero anong magagawa ko?
tao lang naman ako..may pusong tumitibok para sayo...

oh my gulay...ang corny ko nanaman....
meron pa bang mga taong, makaka-appreciate niyan?
sana may bayad na lang tong ginagawa ko...
para kahit parang kalokohan lang, may napapala ako...

tula ko'y gusto ko pa sanang habaan....
ang kaso baka mabored ka lang....
magsusulat na lang ulit ako ng bago...
tutal diyan naman magaling ang utak ko.....

BOW







Comments

Popular Posts