Pahingi Ng Title

kay tagal kong nagtiis...
kay tagal kong kinimkim...
hindi mapakali...
kapag malapit ka sa akin.....

di naman naghahangad ng kapalit...
nais lamang na lagi kang kapiling...
paumanhin kung ako'y nakakailang na...
subalit sadyang ganito ang pusong may lihim na pagtingin...

at dahil nasabi ko na...
na gusto kitang yakapin....
pakiramdam ko'y gumaan...
ako'y nakaraos na rin....

hindi man maganda ang dating...
dahil hindi ka bagay sa akin...
wag mo sanang supalpalin..
ang puso kong hindi ka maangkin....


(*shet talaga..ang hirap maging hopeless romantic...hahahah!)




Comments

Popular Posts