Nakaw Na Sandali

Sa pagsakay ko sa sasakyan, ikaw ang aking nakatabi...
Hindi naman ganun kasikip pero nagkakadikit ang ating mga braso..
Ang init mula sa ating mga katawan ay unti-unting nagkakaroon ng koneksyon sa isa't-isa...
Nagbibigayan tayo ng mga nakaw na tingin....

Ipinikit ko ang aking mga mata sa kagustuhang makatulog sa iyong tabi..
Gayun din naman ang iyong ginawa...
At habang binabaybay ng sasakyan ang daan, hindi maiwasang napapasandal sa iyong mga balikat ang aking ulo.....
Inilagay mo ang iyong mga kamay sa pagitan nating dalawa...
At ng mapadampi ang aking mga kamay sa iyong mga kamay...
Hinawakan mo ito ng dahan-dahan..at tila may ipinapahiwatig ka....

(itutuloy....)

Comments

Popular Posts