MGA BAGAY NA AGAW PANSIN

Ito ay listahan lamang ng mga bagay na nakaagaw ng pansin ko habang nakasakay sa bus pauwi ng Bicol at pabalik ng Manila...

1. mga baka na mahilig mag sun bathing

2. isang kambing na nag-iisa at tila nanigas na sa tindi ng init ng araw...

3. isang maliit at mukhang kahina-hinalang ktv bar na may pangalang "WILD DUCK" in Filipino, "Patong Gubat"

4. isang pamilya ng puting kambing (naisip ko baka engkanto yun in disguise..)

5. isang matanda na mukhang naaliw sa 70's shades ko na ngiting-ngiti at kumakaway sa akin....

6. Chowking sa Lucena (sayang hindi kami dun nag stop-over..)

7. Raymond bus na hindi air conditioned...(meron pala nun..)

8. isang lalakeng sakay nung Raymond bus sa no. 7 na humanga ng mag-shades ako..(sikat talaga yung shades na yun..)

9. isang bundok na mapuno tapos sa baba niya may palayan..(naaalala ko yung mga typical drawings nung bata ako..)

10. ang mahigit isang taon ng kalye na zigzag na ginagawa...ginagawa pa rin ngayon....

11. ang 3 piling ng saging na ayon sa konduktor ng bus ay 50 pesos lang lahat lahat...

12. yung magandang bahay na mukhang haunted house sa candelaria...

13. mga lumang simbahan na malalaki at mukha talagang luma na...

14. yung strand ng pink na sako na nakalawit sa ulohan ko mula sa bagahe ng isang pasahero (na katabi ko pala)

15. yung "Joe" (Amerikano) na sumakay ng bus... na tinawag namin ni mama na Alabang boy....

16. dagat ng Atimonan at Gumaca na mas maganda nung papunta kami pero nung pauwi na kami panget na kasi umulan...

17. kidlat habang nasa highway kasi parang bumabagyo...

18. yung suka sa harapan ng paa ko na hindi ko agad napansin... (yuck)

19. yung nanay na sumakay sa bus na may maraming anak at ang lakas makipag-usap sa cellphone....

20. at higit sa lahat ay yung baby na kapag humihinto ang bus umiiyak...pero kapag umaandar, tulog lang.....

Comments

  1. masaya lang siya alalahanin lahat...sarap umuwi ng Bicol... (^^)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts