KAPALIT

Naaalala ko lang ang isang tao na lagi ako tinatanong a little way back kung anong gusto kong kapalit kapag may ipinapagawa siya sa aking pabor...noon pa man..matagal na ay gustong-gusto ko na siyang hiritan ng,

"Sigurado ka..?gusto mo talaga malaman kung anong gusto kong kapalit...?Baka naman umatras ka bigla at pagsisihan mong nagtanong ka pa..."

natatawa lang ako sa ideya kung ano ang maaaring maging reaksyon niya kapag nalaman niya na gusto ko ng "yakap"....ano nga kaya magiging reaksyon niya....

isa nanaman to sa mga bagay na dapat kinikimkim ko na lang...subalit dahil sa bigat ng aking dalahin...at hindi na kasya ang mga bagong ideya na nabubuo sa aking isipan...kailangan ko na siyang i-archive...

Comments

Popular Posts