Si Carlo

kanina habang ako'y nagdadasal sa simbahan, muli kong hiniling sa Diyos ang pinost ko sa twitter.."na sana magblush ako ng todo kapag si "The One" na ang kaharap ko." Isang napaka-imposibleng bagay para sa akin ang mag-blush dahil hindi talaga ito madalas mangyari sa akin...at kanina ay bigla akong nag flash back..naalala ko ang unang beses na ako'y magblush...

..bata pa ako noon..at tulad ng ibang mga bata ay mahilig ako maglaro sa labas tuwing sasapit ang hapon...nagkataon naman ng hapon na iyon ay nagwawalis sa labas ang aming kasambahay na si Ate Jocelyn..sa isip ko, ayos na ayos to dahil may rason ako para makalabas..

sa aking paglabas ay napalingon ako sa aking kanan...nakita ko..ang isang bata na mas matanda sa akin...naka-scooter...at paglingon niya...nagtagpo ang aming mga mata...biglang kumabog ang dibdib ko..na-stock ang mga ngiti niya sa utak ko at tumakbo ako papasok ng garahe at nagmukmok....

dahil sa hindi inaasahang pangyayaring iyon ay sinundan ako ni Ate Jocelyn at tinanong...

"huy!anong nangyari sayo??" tanong niya.

"yung bata kasi sa labas eh..." sagot ko habang nakayuko.

"bakit?ano ginawa niya??" tanong niya muli habang pilit na tinitingnan ang aking mukha...at ng siya'y magtagumpay sa pagkakatanggal sa aking kamay na nakataklob sa aking mukha ay napabulalas siya ng..

"Hala!Bakit ang pula ng mukha mo!?" takang-taka niyang pagtatanong

"kasi...crush ko ata siya..." sagot ko habang namumula at halos maiyak-iyak na....


...hay..good old times nga naman...at doon, natuklasan ko mula sa aking kapitbahay..na ang crush kong si Carlo...ay bakla pala...oo..isa siyang gwapong bakla na naka scooter..at siya ang unang crush ko..or "love at first site..."




Comments

Popular Posts