Malalim na Tula, Nalunod Lang Pala

sa anim na talampakan ang lalim...
dahan-dahang lumulubog sa ilalim...
nanlalabo ang paningin..
hangin ay naglalaho rin..

isang kamay ay lutang sa ibabaw..
hawakan mo ng ako'y mabuhay...
sumisid ka sa ilalim....
ako'y iyong yakapin....

iangat mula sa tubig...
pintig ng puso ko ba'y naririnig...?
kung mahina, bahaginan mo ako ng iyong hininga..
nagkukubling halik mo ang bubuhay sa akin sinta...

sa pagmulat ng mata...
ikaw ang makikita...
patak ng luha mo sa aking mukha...
ngiti ang dulot sa aking kaluluwa...


*pampalipas oras lang dahil wala ako magawa..trip ko rin naman magsulat ng tula..(^^)

Comments

Popular Posts